Samu’t saring campaign materials na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar ang binaklas ng COMELEC-Pasig sa ikalawang araw ng kanilang Oplan Baklas.
Katuwang ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA at Pasig City Police Office, pinagbabaklas nila ang mga campaign poster na nakapaskil sa arko ng Barangay gayundin ang mga nakakabit sa poste ng kuryente sa Dr. Sixto Ave.
Inalis din nila ang mga campaign materials sa lumang Health Center sa Brgy. Rosario dahil government property ito at hindi rin designated common poster area.
Sinuyod din ng mga awtoridad ang mga Barangay ng Bambang, San Joaquin at Kalawaan kung saan, tila ginawang banderitas ang mga campaign poster at may nakakabit din sa mga puno.
Samantala, hindi naman ginalaw ng mga taga-COMELEC Pasig ang mga campaign poster na nasa pribadong ari-arian. | ulat ni Jaymark Dagala