Cebu City Council, hinikayat ang pulisya sa Cebu City na magtalaga ng Vote Buying Help Desk

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinihikayat ng Cebu City Council ang Cebu City Police Office na maglagay ng help desk sa kanilang mga istasyon upang magsilbing sumbongan sa pamimili ng boto o vote buying kaugnay 2023 Barangay at Sannguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Cebu City Councilor Rey Gealon na siyang may-akda ng resolusyon kaugnay sa paglalagay ng anti-vote buying help desk sa mga istasyon ng pulis, layunin nito na mayroong lugar na malalapitan ang mga taong gustong magsumbong kaugnay sa mga insidente ng vote buying.

Base pa sa nilalaman ng resolusyon nito na ang pamimili ng boto o vote buying ang kadalasang problema na kinakaharap tuwing eleksyon.

Sa panig naman ng COMELEC Cebu City North District, itinuturing ni Election Officer Atty. Marchel Sarno na malaking tulong ang resolusyon ni Gealon sa kanilang Kontra Bigay program laban sa vote buying.

Ayon naman kay Police Lt. Col. Janette Rafter, tagapagsalita ng CCPO na makikipag-ugnayan sila sa COMELEC para sa mga karagdagang guidelines sa kanilang mga ipinapatupad na programa upang masugpo ang vote buying.| ulat ni Angelie Tajapal| RP1 Cebu

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us