Hinikayat ni Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred Delos Santos ang Commission on Higher Education (CHED) at state universities and colleges (SUCs) na isama sa scholarship beneficiary ang mga kaanak ng tatlong OFWs na nasawi sa Israel dahil sa kaguluhan doon.
Ayon kay Delos Santos, ang mga dependent nina Angelyn Peralta Aguirre, Paul Vincent Castelvi, at Loreta Villarin Alacre na nasa kolehiyo na o papasok ngayon sa kolehiyo ay maaaring ipasok sa scholarship o kaya’y pagkalooban ng iba pang angkop na subsidiya o grant bilang pagtanaw sa kabayanihan ng tatlong Filipino migrant workers.
Diin ng mambabatas na ang tatlong kababayang nasawi ay matuturing na mga bayani ng kasalukuyang panahon dahil sa nagbuwis sila ng buhay habang sila’y OFW, habang nag-aalaga ng kanilang mga pasyente.
Kaya naman marapat lang aniya na siguruhin ng Estado na maaalagaan at matitiyak ang kapakanan ng kanilang naiwang kaanak. | ulat ni Kathleen Jean Forbes