Chief ng AFP WesMinCom pinalitan; ilan pang matataas na opisyal ng AFP, binalasa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakatakdang umupo sa mga bagong pwesto ang ilang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang mga appointment.

Si Lt.Gen. William Gonzales ang uupo bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command, kapalit ni Major General Steve Crespillo na papalit naman kay Gonzales bilang AFP Inspector General.

Si MGen. Gabriel Viray III, na magiging bagong Commander ng 1st Infantry Division, ay papalitan naman bilang Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations, J7 ni BGen. Arvin Lagamon, ang outgoing commander ng AFP Civil Relations Service (CRSAFP).

Si BGen. Ramon Zagala ang hahawak sa CRSAFP, matapos niyang ipasa ang Command ng Presidential Security Group kay BGen. Jesus Nelson Morales, ang deputy commander ng Air Logistics Command.

Ang pagkakatalaga ng mga opisyal sa kanilang mga bagong pwesto ay pinagdesisyunan ng AFP Board of Generals, at inendorso sa Commander in Chief sa pamamagitan ng Secretary of National Defense. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us