Chinese ambassador dito sa Pilipinas, dapat nang palitan — Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa tingin ni Senate Majority Leader Joel Villanueva, maaaring panahon na para palitan na ang ambassador ng China dito sa Pilipinas dahil sa patuloy na pambu-bully ng China sa ating bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ay kaugnay pa rin ng pagbangga ng Chinese Coast Guard sa sasakyang pandagat ng Pilipinas na nasa isang resupply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Villanueva, dahil sa bagong hakbang na ito ay maaaring palitan na ang Chinese ambassador ng isang indibidwal na ipaprayoridad ang pagsunod sa international laws.

Para sa senador, maituturing na escalated form ng harrassment ang naging pagbangga ng Chinese Coast Guard sa supply ships ng Pilipinas. 

Nakalulungkot, hindi katanggap-tanggap, at nararapat lang aniyang kondenahin ang patuloy na agression at iligal na aktibidad ng China sa WPS.

Iginiit rin ni Villanueva ang patuloy na suporta para sa dagdag na pondo at modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) para mas maprotektahan ang soberanya ng ating bansa sa WPS.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us