Chinese Ambassador Huang Xilian, ipinatawag na ng DFA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ngayon ng Department of Foreign Affairs na ipinatawag na nito si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian kasunod ng panibagong tensyon sa West Philippine Sea.

May kinalaman ito sa insidente ng pagbangga ng barko ng China Coast Guard sa resupply boat ng AFP na papuntang Ayungin Shoal at at pagsagi rin ng barko ng Chinese Maritime Militia sa BRP Cabra ng Philippine Coast Guard.

Ayon kay DFA Spokesperson Ambassador Teresita Daza, pinatawag kaninang umaga si Ambassador Huang ngunit ito ay naka-out of town kaya Deputy Chief of Mission nito ang humarap sa tanggapan.

Kaugnay nito, naghain na rin ang Pilipinas ng panibagong diplomatic protest laban sa China dahil sa pangha-harass nito.

Ito na ang ika-55 diplomatic protest ng Pilipinas ngayong taon.

Giit ni Daza, nananatili ang posisyon ng Pilipinas sa soberanya at karapatan nito sa Ayungin Shoal dahil sa bahagi ito ng Exclusive Economic Zone (EZZ) ng Pilipinas.

Samantala, hindi pa naman kinokonsidera ng Pilipinas sa ngayon ang pag-invoke sa US-PH Mutual Defense Treaty kasunod ng insidente

Una nang kinondena ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at National Security Council ang insidente na anila ay masyado nang delikado at iresponsable. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us