Climate-Smart Rice Project, ipatutupad na sa Nueva Ecija-NIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipatutupad na ng National Irrigation Administration (NIA) ang Climate-Smart Rice Project sa Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (UPRIIS) sa Nueva Ecija.

Ayon kay NIA Acting Administrator Eddie Guillen, ipatutupad ang proyekto hanggang Disyembre 2028 na may layong makapag-ambag sa pagkamit ng seguridad at katatagan ng bigas sa bansa.

Makakamit ito sa pamamagitan ng pagtaas ng water productivity sa mga national irrigation system (NISs) habang binabawasan ang carbon emission sa irrigated rice cultivation.

Layon din ng proyekto na isulong ang paggamit ng Alternate Wetting and Drying (AWD) Technology sa irrigated areas sa buong UPRIIS na may probisyon na capacity-building activities at financial incentives sa mga farmer-partners.

Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan na ng NIA at Ostrom Climate Solutions, Inc, para sa pagsasakatuparan ng proyekto.

Sa ilalim ng kasunduan, ang Ostrom Climate ang magbibigay ng pondo sa implementasyon ng proyekto.

Umaasa ang NIA na maisakatuparan ang vision nito na gawing isang climate-smart at climate change-resilient nation ang Pilipinas. | ulat Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us