Ayon kay Ginoong Ricardo D. Daet, officer-in-charge ng Commission on Election Legazpi, na handang-handa na ang buong team ng Comelec Legazpi sa Simultaneous Nationwide “Operation Baklas” ngayong araw. Katulong ng komisyon sa lungsod, ang Provincial Environment and Natural Resources Office o PENRO Albay, Department of Public Works and Highways, at Philippine National Police para sa seguridad.
Lahad ni Daet, ang assembly area sa city hall compound sa ganap na ala 7:00 ngayong umaga. Ang ruta ng team mula sa city hall, maglilibot patungong Brgy. 13, papunta sa likod ng simbahan, deretso sa Centro, San Roque, Oro Site, Kapantawan, Bitano, Washington Drive, at pabalik sa city hall. Binigyan diin ni Daet, nakatuon ang team sa mga barangay sa población ng lungsod.
Sabi ng opisyal, ang mga makukuhang election paraphernalia kukunin ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways for safe keeping. Paliwanag niya, ang bisinad ng barangay hall, ang siyang designated common poster area. Tinuran pa niyang 2 by 3, ang tamang sukat ng poster ng bawat kandidato.
Ipinagbabawal ang pagpaskil sa pader ng barangay hall, dapat maglagay ang kandidato ng structure na lalagyan ng kanyang poster. Bawal rin na lagyan ng posters ang mga punong kahoy. | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay