Naka-standby ngayon sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig ang “Contingency Force” ng Philippine Army para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang “mustering of troops” na kinabibilangan ng Civil Disturbance Management Units at iba pang army assets ngayong umaga.
Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Galido sa mga tropa ang kanilang mahalagang papel sa pagsuporta sa Philippine National Police, sa pagtiyak ng ligtas, maayos, at mapayapang halalan.
Una nang inilagay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang pwersa sa buong bansa sa Red Alert simula noong Biyernes, kung saan inatasan ang lahat ng ground unit na mag-standby ng kaukulang “contingency force”.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief at Phil. Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, tatagal ang alerto hanggang bukas, Oktubre 31, pero nakadepende sa sitwasyong panseguridad ang pag-downgrade nito. | ulat ni Leo Sarne
📷: Cpl Rodgen Quirante, OACPA