Crime rate sa QC, bumaba ng 19.51% — QCPD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakapagtala ang Quezon City Police District (QCPD) ng pagbaba sa bilang ng mga krimen sa lungsod sa nakalipas na linggo.

Ayon kay QCPD Acting District Director Police Brigadier General Redrico Maranan, bumaba sa 19.51% ang index crime rate sa lungsod mula September 25-October 1, 2023, kumpara sa 41 insidenteng naiulat sa lungsod mula September 18-24, 2023.

Kabilang sa index crimes ang walong focus crime na theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery, at homicide.

Paliwanag ni Gen. Maranan, resulta ito ng pinaigting na anti-criminality operations ng QCPD na nakatutok sa enhanced preventive measures.

Kabilang rito ang Task Force DART, na nagsasagawa ng Oplan Galugad/ Bulabog, at Motorcycle Patrol na nakatutok naman sa crime-prone areas.

Bukod sa crime rate, umakyat rin ang Crime Clearance Efficiency (CCE) sa lungsod sa 80% maging ang Crime Solution Efficiency (CSE).

Kaugnay nito, nagpasalamat naman si Gen. Maranan sa pakikiisa at mahusay na pagtupad ng mga tauhan ng QCPD sa kanilang tungkulin. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us