CSC, nagpaalala sa mga kawani ng pamahalaan kaugnay sa electioneering at partisan political activities ngayong panahon ng kampanya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Civil Service Commission (CSC) sa 1.9 million na mga kawani ng pamahalaan sa buong bansa na iwasang sumali o makisawsaw sa electioneering at partisan activities.

Kasabay na rin ito ng pagsisimula ng 10 araw na kampanya para sa paparating na  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, Sa ilalim ng CSC – Commission on Elections (COMELEC) Joint Circular sakop ng pagbabawal sa nasabing kautusan ang mga miyembro ng serbisyong sibil, permanente man, pansamantala, kontraktwal, o kaswal, na nagtatrabaho sa lahat ng sangay at ahensya ng gobyerno.

 Gayundin ang mga career officer na may hawak na mga political offices mapa-acting man o officer-in-charge (OIC); at nakauniporme at miyembro ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Saklaw din ang mga empleyadong naka-official leave of absence.

Kabilang sa mga ipinagbabawal na aktobidad ay:

• pagbuo ng mga organizations, associations, clubs, committees, o ibang grupo na ang layunin ay ikampanya pabor o kontra sa sinumang kandidato

• pagdaraos ng caucuses, conferences, meetings, rallies, parades, o katulad na assemblies para sa  pagkuha ng boto sa sinusuportahan nilang kandidato.

Tungkol naman sa paggamit ng social media, ang mga manggagawa ng gobyerno ay maaaring mag-repost, magbahagi, mag-like, magkomento, o mag-follow sa account ng isang kandidato o partido hangga’t hindi sila tahasang humihingi ng suporta para o laban sa isang kandidato o partido sa panahon ng kampanya.

Ang mga empleyado ng gobyerno na mapapatunayang nagkasala ng direkta o hindi direktang pakikibahagi sa mga partisan political na aktibidad ay papatawan ng multang isang buwan at isang araw hanggang anim na buwang suspensiyon para sa unang pagkakasala, at pagkakatanggal sa serbisyo para sa ikalawang pagkakasala, ayon sa 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us