Cyber attack laban sa PSA, kinondena ni Sen. Mark Villar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinondena ni Senador Mark Villar ang sunod-sunod na cyber attacks na naranasan ng ilang mga ahensya ng gobyerno, kung saan ang pinakabagong biktima ay ang Philippine Statistics Authority (PSA).

Nakakabahala aniya ang ganitong cyber attacks dahil laging may panganib na mapunta sa cyber space ang impormasyon ng general public at mapasakamay ng mga kriminal.

Sa isang pahayag ngayong araw, kinumpirma ng PSA na nagkaroon ng data leak sa kanilang sistema pero limitado lang ito sa kanilang community-based monitoring system.

Ayon kay Villar, ang mga pagatake na ito laban sa ating mga government agencies ay maituturing ring malawakang pag-atake laban sa mga mamamayang Pilipino na mayroong mga sensitibo at pribadong impormasyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ang mga cyber attack aniyang ito ay hindi lang nakakakompromiso sa mga sistema at proseso ng mga ahensya kundi naglalagay rin sa panganib sa kaligtasan at privacy ng mga Pinoy.

Matatandaang ilang linggo pa lang ang nakakaraan nang makaranas rin ng cyber attack ang sistema ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Una nang naghain ng resolusyon si Villar para maimbestigahan sa Senado ang mga cyber attack laban sa mga website ng gobyerno nang mapatatag ang cyberspace security ng ating bansa.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us