DA, ipinaliwanag ang paggagamitan ng confidential fund nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinaliwanag ng Department of Agriculutre (DA) ang pinaggagamitan nila ng confidential fund.

Ito ay matapos maungkat sa pagdinig ng senado sa panukalang 2024 budget ng DA ang pagkakaroon nito ng alokasyong ₱50 million na confidential fund.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary James Layug, kabilang sa mga pinaglalaanan ng pondong ito ay ang surveillance at operations kontra smuggling ng mga produktong pang-agrikultura.

Dinagdag rin ni Layug na maaari rin nilang gamitin ang confi fund para sa pag-iimbestiga lalo na’t sa ilalim ng Food Safety Law at Price Act ay may quarantine powers ang DA.

May mga batas rin aniyang nagmamandato sa DA na magsagawa ng market surveillance at inspection.

Pinunto naman ni Senador Raffy Tulfo na nariyan naman na ang law enforcement agencies para hanapin at tugisin ang mga smuggler, gaya ng PNP at Bureau of Customs.

Kaya naman minumungkahi ni Tulfo na tanggalin na lang ng DA ang kanilang confidential fund o kaya ay i-reallocate nila ito sa ibang mahahalagang programa ng DA gaya ng pagpapataas ng rice production.

Sinabihan naman ni Villar ang DA na ipaliwanag ng maayos sa mga senador ang paggagamitan ng ahensya ng kanilang confi fund. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us