Nakiisa ang Department of Agriculture o DA CALABARZON sa Lab for All Caravan Program kahapon sa Tagaytay City, Cavite.
Ayon sa pabatid ng ahensya, dumating bilang representante ng Pangulo si First Lady Liza Araneta Marcos para pasinayaan ang programa.
Nagtayo ng booth ang mga kawani ng DA IV-A kung saan namahagi ng mga punla ng manga, lansones, calamansi, at iba pang agricultural intervention gaya ng butong pananim at gulay.
Kasama ring ipinamahagi ang mga polyetos na babasahin tungkol sa pagtatanim, paghahayupan, at pamamaraan sa pagsasaka para sa mga interesado sa larangan ng agrikultura.
Ang Lab for All ay isa sa mga inisyatibo ng pamahalaan sa pagsusulong ng Universal Health Care upang siguruhin ang patas na akses ng mga mamamayang Pilipino sa dekalidad at abot-kayang mga produkto o serbisyo para sa kalusugan. | ulat ni Carmi Isles | RP1 Lucena
Photos: DA IV-A