Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na magkakaroon lang ng maliit na epekto sa local agriculture production sa bansa ang hidwaan ng Israelis at Palestinians.
Ayon kay DA Assistant Secretary for Operations Arnel de Mesa, ang Israel government ay matagal nang partner ng DA sa iba’t ibang inisyatiba partikular sa water management at fertilization.
Dagdag pa rito, patuloy na pinalalakas ng Pilipinas at Israel ang pagtutulungan na may kaugnayan sa training, internship, professional exchange, gayundin ang monitoring at evaluation upang mapabuti ang agricultural productivity.
Bukod sa innovative farm at water systems, mayroon ding matagal na partnership sa kalakalan ang Pilipinas sa Israel.
Bahagi ng trading agreement ng Pilipinas at Israel ang pag-aangkat ng iba’t ibang processed products.
Umaasa si De Mesa, na agaran nang maresolba ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa. | ulat ni Rey Ferrer