DA Sr. Usec. Panganiban, malaki ang paniwala na lalo pang bababa ang presyo ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kampante ang Department of Agriculture (DA) na lalo pang bababa ang presyo ng bigas sa pamilihan ngayong tinanggal na ang price ceiling na Php 41 at 42.

Sinabi ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, panahon na ng anihan ng mga magsasakaka, kaya tuloy-tuloy na ang suplay ng bigas sa bansa.

Naniniwala si Panganiban na sisipa pa ang presyo ng bigas kung hindi nagtakda ng price ceiling sa bigas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ay matapos tukuyin ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang mataas na presyo ng bigas na nakaambag sa pagbilis ng inflation rate sa 6.1% para sa buwan ng Setyembre 2023.

Mahalaga aniya ang naging hakbang ng pangulo upang mahadlangan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.

Kung hindi umano nagtakda ng price ceiling sa bigas ay baka hindi naawat ang pagsipa ng presyo nito sa merkado.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us