Dagdag na tropa mula sa 8th Infantry Division, pinadala sa Negros Oriental para sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ang 8th Infantry Division ng Philippine Army ng “company size” na pwersa sa Negros Oriental para tumulong sa seguridad sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Pinangunahan ni 8th Infantry Division, Assistant Division Commander, Brigadier General Perfecto P. Peñaredondo ang send-off ceremony para sa mga tropa sa Tactical Operations Group (TOG) 8, Airforce Headquarters, sa Tacloban City kahapon.

Ang mga tropa ay mula sa 14th Infantry Battalion, 46th Infantry Battalion, 52nd Infantry Battalion, at 78th Infantry Battalion, na ilalagay sa operational Control ng 302nd Infantry Brigade ng 3rd Infantry “Spearhead” Division.

Sa kanyang mensahe, binilinan ni Brig. Gen. Peñaredondo ang mga sundalo na panatilihin ang kanilang disiplina, propesyonalismo, at paggalang sa karapatang pantao sa kanilang pagganap ng kanilang mandato bilang miyembro ng deputized agency ng Commission on Elections (COMELEC) sa pagsiguro ng malinis at mapayapang halalan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us