Dagdag pondo ng DICT para sa cybersecurity, nakasalalay sa bicam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa Bicameral Conference Committee na maisasapinal ang kahihinatnan ng pondo ng Department of Information and Communications Technology lalo na pagdating sa kanilang confidential funds.

Ayon kay House Committee on Information and Communications Technology Chair at Negros Occidental Rep. Kiko Benitez, dahil pasado na sa Kamara ang 2024 General Appropriations Bill, ang pinakatamang lugar para pag-usapan kung ibabalik ang confidential funds ay sa bicam.

Matatandaan na inalis ng Kamara ang nasa P300 milyon na CF ng DICT at ilan pang ahensya para ilipat sa mga intelligence agencies na nagbabantay sa West Philippine Sea.

Ngunit dahil na rin sa magkakasunod na pag-atake sa websites at data system ng ilang ahensya ng gobyerno, humirit ang ahensya na maibalik ang tinapyas na pondo.

Ayon naman kay Benitez, kailangan talaga ng DICT ng pondo na hindi open sa publiko.

Kung ico-convert kasi sa regular na budget ang pambili ng cybersecurity measure at kailangan idaan sa public bidding ay malalaman na ng cybercriminals ang specifications ng cybersecurity na gagamitin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us