Dalawang araw na ‘Kadiwa ng Pangulo’ program, matagumpay na nailunsad sa kapitolyo ng Zamboanga Sibugay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging matagumpay ang inilunsad na dalawang araw na “Kadiwa ng Pangulo” program na ginanap sa Provincial Capitol Atrium sa Barangay Ipil Heights sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ang okasyon ay nilahukan ng 13 DOLE-assisted exhibitotrs na nagmumula sa iba’t ibang mga bayan ng lalawigan.

Tampok sa mga display ng Kadiwa ng Pangulo ang mga dekalidad at lokal na mga produkto na murang-mura ang presyo.

Ayon sa DOLE-Zamboanga Sibugay, ang programang Kadiwa ng Pangulo ay nagsisilbing “market linkage facilitation initiative” na naglalayong mapaigi ang accessibility at affordability ng mga produktong agrikultura at iba pang mga murang bilihin na gawà ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) ng probinsya.

Ang Kadiwa ng Pangulo ay mariing sinusuportahan ni Sibugay Governor Dr. Ann K. Hofer, kung saan, taos-pusong umapila sa mga Sibugaynon na suportahan ang programa ng Pangulo, at tangkilikin ang murang mga produkto. | ulat ni Lesty Cubol | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us