Kinompirma ng Commission on Elections Region 7 na tuloy ang mall voting sa dalawang malls sa Cebu matapos mapili ito na kabilang sa mga pilot areas sa bansa na magsasagawa nito.
Ayon sa panayam kay Atty. Lionel Marco Castillano, ang regional director ng Comelec-7, napili ang barangay Pari-an sa lungsod ng Cebu at barangay Pitogo sa bayan ng Consolacion na isasagawa ang kanilang voting sa loob ng malls.
Mga botante sa limang presinto ang makakaboto sa loob ng Robinsons Galleria sa lungsod ng Cebu at SM Consolacion.
Ani Castillano, nilimita muna ito sa lima dahil din sa espasyo para sa mall voting site.
Ang pagsasagawa ng mall voting, dagdag ni Castillano, ay upang maiangat ang voting experience ng mga botante.
Nakita ani nila nga mas madami ang turnout nung nagsagawa sila ng simulation dahil sa mall isinagawa ang voting. | via Carmel Matus | RP1 Cebu