Hindi pa gaanong ramdam ang dagsa ng mga motoristang bumibyahe palabas ng Metro Manila para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.
Normal pa kasi ngayong umaga ang daloy ng mga sasakyan sa North Luzon Expressway.
Batay sa monitoring ng North Luzon Expressway – Subic-Clark-Tarlac Expressway (NLEX-SCTEX), as of 7am ay maluwag pa at tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan sa Radio Frequency Identification (RFID) lanes.
Light traffic din ang umiiral sa Mindanao Toll Plaza, Bocaue Toll Plaza, Candaba Viaduct Northbound at Southbound at pati na sa Tulaoc (San Simon) Northbound at Southbound.
Inaasahan naman ng pamunuan ng NLEX na simula mamayang alas-4 ng hapon pa bibigat ang trapiko sa expressway
Gaya ng nakagawian, handa ang pamunuan ng NLEX na binuksan na ang lahat ng RFID lanes.
Nasa 1,500 patrol crews, traffic marshals, security teams, toll at system personnel rin ang nakadeploy na sa buong expressway.
Suspendido na rin maging ang mga road repair sa NLEX bilang paghahanda sa buhos ng mga motorista.
Mayroon ding libreng towing service ang NLEX para sa Class 1 vehicles simula ngayong araw
October 27 (6AM) hanggang October 29 (6AM), October 31 (6AM) hanggang November 2 (6AM) at November 4 (6AM) hanggang November 6 (6AM). | ulat ni Merry Ann Bastasa