Naglapse into law na ang House Bill 7413 na nagpanukalang gawing Miriam Defensor P. Defensor – Santiago Avenue ang BIR at Agham road sa Quezon City.
Sa Malacañang Records Office, nag-lapsed into law ang nasabing House Bill nitong nakaraang Huwebes, Oktubre 12.
Ito’y matapos na hindi lagdaan o mag-veto ang Pangulo sa nasabing panukalang batas, matapos ang isang buwan na nakarating ito sa kanyang tanggapan.
Kaugnay nito’y obligado ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipatupad ang probisyon ng ngayo’y Republic Act 11963 sa loob ng 60 araw.
Unanimous ang approval mula sa dalawang Kongreso ng nasabing panukala kaya’t madaling nakarating sa Office of the President. | ulat ni Alvin Baltazar