Dating LTFRB Chair Atty. Guadiz, inabswelto ng dating executive assistant mula sa umano’y katiwalian sa ahensya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malaki ang pasasalamat ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair, Atty. Teofilo Guadiz III na nalinis na ang kaniyang pangalan mula sa alegasyon ng korapsyon.

Sa motu proprio investigation ng Kamara, sinabi ng dating executive assistant ni Guadiz na si Jefferson Tumbado na wala siyang ebidensya na kasama nga si Guadiz sa sinasabi niyang “route for sale scheme” sa LTFRB.

Dala lamang aniya ng bugso ng damdamin at sama ng loob kay Guadiz, kaya niya sinabi na kasama ito sa mga tumatanggap ng bayad kapalit ng prangkisa o ruta.

Ayon naman kay Guadiz, masaya siya na nalinis na ang kaniyang pangalan na kaniyang iningatan ng higit 20 taon at lumabas din ang katotohanan.

“Ako po’y nagpapasalamat at nalinis na rin po ang aking pangalan na matagal ko pong iniingatan ng 23 years, finally po nalinis na rin po, at nalinawan na po ang lahat ng issue. Salamat po sa Panginoon, salamat po sa mga miyembro ng Kamara, at sa kanilang masugid na imbestigasyon, lumabas din po ang katotohanan,” saad ni Guadiz.

Humingi naman ng paumanhin si Tumbado kay Guadiz sa pagsasangkot nito sa isyu, gayundin kay Transportation Secretary Jaime Bautista at sa Malacañang.

Aminado naman ai Guadiz na inaaral niya ang pagsasampa ng kaso laban kay Tumbado. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us