Dating Sen. Drilon pinahalagahan ang suporta ni PBBM sa pagkumpleto ng pinakamalaking dam sa labas ng Luzon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni dating Senator Franklin Drilon ang suporta ng ngayong administrasyon ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtayo at pagkumpleto ng pinakamalaking dam sa labas ng Luzon, ang P11.2-billion na Jalaur River Multi-Purpose Project II sa Calinog, Iloilo.

Kung maaalala, noong July 19, 2023 inaprubahan ng NEDA ang P8.4-million na hininging dagdag na pondo ng National Irrigation Administration (NIA) para sa JRMP II.

Ayon kay NIA Acting Regional Manager Jonel Borres, ang nasabing halaga ay para sa halaga ng ‘inflation’ at pambayad sa buwis at walang dagdag na pondo para sa civil works.

Target ng DAEWOO Engineering & Construction ang kontraktor ng JRMP II na tapusin nila ito sa December 2024 at sa 2025 ang operasyon.

Pinapabilis ni Drilon ang pagpapatapos ng proyekto dahil sa mga hamong kinakaharap ng bansa tulad ng food security at ang matataas na mga bilihin. | ulat ni Bing Pabiona | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us