Muling napili ang Davao City para sa panibagong hosting ng IRONMAN 70.3 sa susunod na taon matapos ang matagumpa na pagdaraos nito sa lungsod mula pa noong 2018.
Sa isinagawang launching at press conference, inihayag ni IRONMAN Philippines General Manager Princess Galura muling pinili ang lungsod dahil sa kahandaan nito sa pagdala ng prestihiyosong triathlon event.
Ayon kay Galura na isa sa mga kinokonsidera nila dito ay ang kahandaan ng medical at response team ng lungsod, pakakaroon ng international airport, mga hotels at iba pa.
Sa panibagong taon, inilipat na nito ang lugar na pagdarausan ng karera mula sa Azuela Cove papuntang Davao Coastal Road at magiging bagong partner na lokal na pamahalaan naman ang Sta. Cruz, Davao del Sur para dalawang loops na biking.
Maliban sa lugar, inilipat na rin nito ang buwan ng karera sa Agosto 2024 mula sa Marso nung nakaraang hosting.
Ito’y dahil sa mga pangyayari na naganap nitong nakaraang Marso ngayong taon kung saan may binawian ng buhay sa swimming track. | ulat ni Armando Fenequito | RP1 Davao