Sa isang courtesy visit, nagtagpo sina Secretary Amenah Pangandaman at France Ambassador to the Philippines, Her Excellency Marie Fontanel sa opisina ng Department of Budget and Management (DBM).
Sentro ng naging usapan nina Sec. Pangandaman at Ambassador Fontanel ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at France.
Dito tinalakay kung paano mapapalakas pa ang ugnayan sa diplomasya at kalakalan ng dalawang bansa kabilang ang pagpapataas ng investment opportunities sa mga key sectors tulad sa defense, agrikultura, imprastraktura, at iba pa.
Present din sa naganap na meeting ang ilang kawani ng DBM tulad nina Usec. Margaux Salcedo at Asec. Romeo Matthew Balanquit. | ulat ni EJ Lazaro