Pinag-iingat ang publiko ng Department of Budget and Management (DBM) laban sa pakikipagtransaksyon sa mga indibidwal o grupo na nagpapanggap na si Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon sa advisory ng DBM, may mga indibiwal na ginagamit ang pangalan ng DBM Chief sa pamamagitan ng email na [email protected] at iba pang email address.
Tinitiyak ng Kagawaran, hindi gagamit si Secretary Pangandaman ng anumang unsecure at unverified na email address para kontakin ang sinuman.
Sa kasalukuyan, nakikipatulungan na ang DBM sa mga awtoridad upang magsagawa ng masusing imbestigasyon sa nasabing ilegal na aktibidad.
Sisikapin umano ng kagawaran na gagawin nito ang mga hakbang upang mahuli ang mga grupo at indibidawal na nasa likod ng mapanlilang na gawain na ito.
Hinimok naman DBM ang publiko na maging mas mapanuri at mag-ingat mula sa anumang mensahe na gumagamit ng pangalan ng kanilang ahensya, ng Kalihim nito, o ng iba pa nilang opisyal para isulong ang kanilang personal na agenda
Maaari ring iulat sa kanilang departamento ang mga ganitong kahinahinalang gawain sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang numero bilang (02) 8657-3300. | ulat ni EJ Lazaro