‘Defense and Maritime Cooperation’ ng Pilipinas at UK, isinulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naging mabunga ang pag-uusap tungkol sa pagpapatatag ng “Defense and Maritime Cooperation” sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom (UK).

Ito’y matapos ang pagpupulong ni Philippine Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Toribio Adaci Jr. at United Kingdom Defense Minister of State Annabel Goldie sa pagbisita ng Ministro sa Philippine Navy Headquarters kahapon.

Bukod sa pagpapatatag ng ugnayang pandepensa ng Pilipinas at UK, napag-usapan ng dalawang opisyal ang mga hamon sa “International Rules-Based Order” at ang unang PH-UK Maritime Dialogue na isinagawa noong Pebrero.

Nagpasalamat din si Vice Admiral Adaci sa UK Navy sa kanilang pagsasanay ng mga piloto ng Philippine Navy sa UK.

Kapwa nagpahayag ang dalawang opisyal na inaasahan nila ang mas marami pang aktibidad sa pagitan ng dalawang bansa sa larangan ng pandepensa, seguridad, at maritime cooperation sa hinaharap.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us