Mainit na tinanggap ng bansang Luxembourg ang Philippine delegation na pinangunahan ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Sa courtesy meeting, tinalakay nila Sec. Diokno at Luxembourg Minister of Finance Yuriko Backes, ang mga oportunidad upang mapalawak ang kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng physical at digital connectivity, renewable energy at sustainable finance.
Ibinahagi naman ni Diokno ang magandang performance ng ekonomiya ng Pilipinas sa gitna ng global economic environment, kaya maituturing itong “attractive investment hub in ASEAN” dahil isa ito sa “fastest growing region” sa mundo.
Ipinagmalaki din ng kalihim ang liberalized sector sa bansa, kabilang dito ang renewable energy, paliparan, tool road, shipping, telecommunications at ang umuusbong na sustainable finance sector ng bansa.
Sa panig naman ni Minister Backes.. inihayag nito ang “strong commitment at ang interes ng kanilang bansa na i-explore ang cooperation at pamumuhunan sa renewable energy, sustainability efforts at gender equality.
Ang pulong ay kabilang sa sidelines na dadaluhan ng delegasyon na Global Gateway Forum ng European Union, mula October 25-26 sa Brussels, Belgium. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes