Mahigit 500 barangay officials at local government leaders sa buong bansa ang dumalo sa “Barangayan Para sa Kalikasan at Bayang Matatag” forum sa SMX Convention sa Pasay City ngayong araw.
Layon nitong paigtingin ang disaster management sa mga barangay at lokal na pamahalaan.
Ito ay sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of National Defense-Office of Civil Defense (DND-OC), Department of the Interior and Local Government (DILG), National Resilience Council (NRC).
Sa talumpati ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, sinabi nitong malaki ang ginagampan ng mga barangay sa disaster management kaya dapat kasama ang mga lokal na pamahalaan sa pagbuo ng mga polisiya, programa, at mga hakbang para matugunan ang epekto ng climate change.
Ayon pa sa kalihim, kinakailangan na bumuo ng komprehensibong risk management strategy na nakatutok sa prevention imbes na sa relief at response.
Dumalo rin sa naturang pulong si Special Representative of the United Nations Secretary-General (SRSG) for Disaster Risk Reduction Mami Mizutori na kilalang advocate o nagsusulong ng climate change adaptation and mitigation.
Ang “Barangayan Para sa Kalikasan at Bayang Matatag” forum ay alinsunod sa paghahanda ng Pilipinas bilang host ng Asia Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa October 2024. | ulat ni Diane Lear
đź“·: DENR