DFA, iminumungkahi ang pagtatatag ng tatlong ‘sea lanes’ ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtatatag ng tatlong ruta sa karagatan ng Pilipinas na maaaring daanan ng mga dayuhang barko.

Sa naging pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na ito ang nagkakaisang posisyon ng executive branch patungkol sa Archipelagic Sea Lanes (ASL) bills.

Binigyang diin ni Manalo na ang pagsasabatas ng ASL ay may mahalagang implikasyon sa national security at may diplomatic at praktikal na implikasyon para sa Pilipinas.

Ayon sa DFA, ang tatlong ‘sea lanes’ na dapat tukuyin ay ang Balintang Channel sa hilaga; ikalawa ang karagatang dadaan ng Celebes Sea, Cebu Sea, Sulu Sea malapit sa Mindoro at magtatapos sa the West Philippine Sea; at huli ang sea lanes na dadaan sa Celebes, Basilan, Sulu, Nasubata, Balabac sea, at magtatapos rin sa WPS.

Samantalang ang ibang ‘sea lanes’ naman ay maaaring itatag na ng Pangulo ng bansa, bilang Chief Executive. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us