DFA, itinaas na sa Alert Level 2 ang Israel; deployment ng bagong OFWs sa naturang bansa, suspendido

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas na sa Alert Level 2 ang bansang Israel dahil sa tumitinding kaguluhan doon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, ang naturang pagtaas ng alerto ay dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Hamas group at dahil na rin sa patuloy na banta sa seguridad ng ating mga kababayan.

Dagdag pa ni De Vega na sa naturang alerto ay hindi pa rin inererekomenda ang repatriation process ng ating embahada dahil maaari lamang  iproseso ang naturang repartriation kapag sumampa sa Alert Level 4 ang status at kapag hindi na nagpa-function ang law and order situation sa bansa.

Samantala, hindi muna magde-deploy ng mga bagong OFWs sa Israel dahil sa banta sa seguridad doon.

Patuloy naman bineperipika  ang isang unaccount na Pilipino na naiulat na nasawi at sumasailalim na sa DNA upang malaman kung isa ito sa mga Pilipinong nawawala.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us