DFA, nakahanda sa posibleng pagbubukas ng Rafah border sa Egypt

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang Department of Foreign Affairs sa posibleng pagbubukas ng Rafah border anumang oras sa mga susunod na araw.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, inabisuhan na nila ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo upang maasistehan ang mga Pilipino kapag nakapasok na sa Egypt.

Samantala, positibo naman si Usec. de Vega na mabubuksan na ang naturang border dahil sa pakikipg-usap ni US President Joe Biden sa state leader ng Egypt. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us