DFA, pasok sa top 10 gov’t agencies na may mabilis na aksyon sa Contact Center ng Bayan ng CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinatuwa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpasok ng kanilang tangapan sa top 10 government agencies na may mabilis na aksyon sa Contact Center ng bayan ng Civil Service Commission (CSC).

Sumampa ito sa ikalawang puwesto na may highest complaint resolution rate sa lahat ng tangapan ng pamahalaan.

Ayon sa DFA, bahagi ito ng kanilang pagpapalakas ng kanilang information campaign upang masagot ang lahat ng katanungan ng ating mamamayan lalo na sa kanilang mga tanong sa passaporte at iba pang mga serbisyo ng ahensya.

Nagpasalamat naman ang DFA sa Civil Service Comission sa pagkilala sa kanila bilang isa sa may pinakamabilis na aksyon sa kanilng hotline at makakaasa ito ng pag-iibayuhin lalo ng DFA ang pagsagot sa mga complaint sa kanilang hotline. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us