DFA, patuloy na bineberipika kung may Pilipino nang nadamay sa paghahasik ng kaguluhan ng grupong Hamas sa Israel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang pagbeberipika ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pilipinong nadamay o na-kidnap sa paghahasik ng kaguluhan ng groupong Hamas sa bansang Israel.

Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza, may natanggap na silang pag-uulat na may mga Pilipinong na-capture ng grupong Hamas nitong Sabado ng umaga ngunit hindi pa ito opisyal.

Dagdag pa ni Daza na patuloy pa nilang kinukumpirma sa mga awtoridad kung mayroon ngang mga Pilipino na naitalang nadakip ng naturang grupo.

Samantala, patuloy naman ang pagsiguro ng DFA na patuloy ang kanilang pag-alalay sa ating mga kababayan sa nasabing bansa. Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement units at sa pamahalaan ng Israel upang ma-monitor ang sitwasyon doon. | ulat ni AJ Ignacio

📸: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us