DFA, suportado ang UN sa pagbibigay ng humanitarian relief sa mga lugar na apektado ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpahayag ng pagsuporta ang Department of Foreign Affairs sa mga pagsisikap ng United Nations na magbigay ng humanitarian relief sa mga lugar kung saan nagaganap ang labanan sa pagitan ng Israel at ng grupong Hamas.

Ayon sa DFA, lubos na ikinalulungkot ng Pilipinas ang nangyaring pambobomba sa Al Ahli Arab Hospital sa Gaza kamakailan kung saan daan-daang inosenteng buhay ang nawala kabilang ang mga medical practitioner, mga bata, mga sugatan, at mga lumikas na indibidwal na naghahanap lamang ng tirahan sa pasilidad.

Giit ng DFA, dapat gawin ng lahat ng partido ang kanilang makakaya upang protektahan ang mga sibilyan sa panahon ng digmaan.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang DFA sa UN dahil sa tulong na ginagawa nito sa mga naapektuhan ng digmaan kabilang na ang mga Pilipino na naipit sa naturang gulo. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us