DHSUD at isang Partylist group, nagkasundo para sa pagtatayo ng housing project

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umani ng suporta mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang plano ng isang Partylist group na magpatayo ng pabahay project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (#4PH) Program.

Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Kabalikat ng Mamamayan (KABAYAN) Partylist Representative Ron Salo para masimulan na ang pagpapatayo ng pabahay project.

Target ng KABAYAN Partylist na mabigyan ng mura at de kalidad na housing units ang kaniyang mga constituents, kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs), seafarers, public health workers, midwives, farmers, fisherfolk, disabled individuals, senior citizens, volunteer groups at spiritual leaders.

Buo ang suporta ni Congressman Salo sa housing program ng pamahalaan at nagpasalamat kay Secretary Acuzar para sa partnership sa pagbibigay ng angkop na pabahay para sa pamilyang Pilipino.

Binigyang-diin naman ni Secretary Acuzar ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagtugon sa housing backlog at pagtiyak ng mga disenteng tirahan, lalo na para sa pinakamahihirap na pamilya. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us