Umapela si Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC) na agad na tukuyin ang mga responsable sa hacking na nangyari sa Philippine Statistics Authority at nakakompromiso ng kanilang Community-Based Monitoring System (CBMS).
Ayon kay Gatchalian, ang data breach na ito ay labis na nakakaalarma at nangangailangan ng masusing imbestigasyon, lalo’t kasunod lang din ito ng nangyaring hacking sa sistema ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Nakakabahala aniya na hindi pa nga nareresolba ang hacking sa PhilHealth ay isa na namang ahensya ng gobyerno ang nakompromiso sa online security.
Ipinunto rin ng senador na ang panibagong insidente ng hacking ang nagpapakita lang na kailangan ng DICT ng confidential fund.
Iginiit ni Gatchalian na nagpapakita lang ito na hindi matatag ang imprastraktura ng ating bansa para malabanan ang banta sa cybersecurity. | ulat ni Nimfa Asuncion