DICT, kinumpirma ang pag-leak ng data ng PhilHealth matapos ang ransomware attack

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pag-leak ng data ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) matapos ang Medusa ransomware attack.

Sa pahayag ng DICT, inupload umano ng Medusa ransomware group ang kopya ng mga file dalawang araw makalipas ang deadline sa pagbayad ng ransom na P17 bilyon.

Kabilang umano sa mga nag-leak na impormasyon ay mga litrato at transaction receipts.

Nabatid na sinabi naman ng PhilHealth, na nananatiling intact ang database ng mga miyembro nito at tanging mga impormasyon lamang ng kanilang mga kawani ang apektado. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us