DICT, may persons of interest na sa likod ng pag-hack sa website ng Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

May natukoy nang persons of interest ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na posibleng nasa likod ng insidente ng pag-hack sa website ng House of Representatives (HOR) nitong Linggo, October 15.

Ito ang kinumpirma ni DICT Assistant Secretary Renato Paraiso kasunod ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng ahensya sa insidente.

“As not to hamper or impede the case build up and possible prosecution we cannot make it public,” ani Asec. Paraiso.

Batay naman sa inisyal na imbestigasyon ng DICT ay posibleng mga Pinoy hacker ang nasa likod ng insidente dahil sa umano’y istilo at lenggwahe na ginamit sa pangha-hack.

Sa ngayon, abala pa rin ang DICT – Philippine National Computer Emergency Response Team (CERT-PH) ng pagsisiyasat upang malaman kung may mga sensitibong impormasyon na nakuha ang threat actor na sangkot sa insidente.

Nagbigay rin ang CERT-PH ng mga rekomendasyon sa HOR IT team upang maiwasan ang mga katulad na insidente sa hinaharap. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us