DICT, nakatutok sa pagbibigay ng technical assistance sa Precinct Finder ng COMELEC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakaagapay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Commission on Elections (COMELEC) sa inilabas nitong Precinct Finder na binuksan para sa mga botante sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections.

Ayon kay DICT Spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso, COMELEC ang may kontrol at mangangasiwa sa Precint Finder habang ang DICT naman ang naatasang magbigay ng technical assistance at platfrom.

Pagtitiyak naman ni Asec. Paraiso na walang dapat ipag-alala ang mga botante dahil ligtas ang kanilang binuong sistema.

Nakahanda rin aniya ang DICT sakali mang may mga magtangkang mag-hack sa Precinct Finder.

Paliwanag nito, may mga contingencies na sila sa mga ganitong posibilidad.

Siniguro rin ng opisyal na hindi na mauulit pa ang data breach incident ng COMELEC noong 2016. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us