DICT, siniguro na walang dapat ikabahala sa napaulat na hacking sa bahagi ng kanilang website

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Information and Cmmunications Technology (DICT) na walang dapat ikabahala ang publiko tungkol sa impormasyon na na-hack ang kanilang test website.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi ni DICT Undersecretary Jeffrey Ian Dy na wala namang impormasyon na nakapaloob sa kanilang test website.

Ayon kay Dy, ginagamit lang nila ang test site na ito para sa pag-check at pag-assess ng vulnerabilities sa kanilang sistema.

Ang tanging pagkakamali lang aniya sa nagyari ay naiwan nila itong bukas pagkatapos ng testing.

Dinagdag rin ni Dy na talagang dinisenyo ang website na ito para maatake.

Ang iba naman aniyang servers ng DICT ay hindi naapektuhan ng anumang cyber attack.

“That website contains nothing it was a test site that we used for checking vulnerabilities kasi we also have our own vulnerability assessment and penetration testing. So siguro sir ang unfortunate lang is that after the testing it was left open. But we assure the public theres really nothing there.”- Usec. Dy.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us