Digital Education 2028, inilunsad na ng Department of Education

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang pagsusumikap ng Department of Education o DepEd na makasunod sa takbo ng makabagong teknolohiya ang pagkatuto ng mga kabataan.

Ito ang inihayag ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte makaraang i-anunsyo nito ang paglulunsad ng DepEd Digital Education 2028 o Digi-Ed.

Sa kaniyang pagharap sa Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI, sinabi ni VP Sara na nakikipag-ugnayan na sila ngayon sa iba’t ibang telecommunication companies para ganap na maisakatuparan ito

Magugunitang nasa 25 paaralan ang inisyal na nakatanggap ng satellite mula sa Starlink habang nasa 2,000 iba pa ang nakalinya na mabahagian nito para sa mabilis na koneksyon ng internet.

Sinabi pa ni VP Sara na binabalangkas pa nila ngayon ang MATATAG portal na siyang magsisilbing plataporma ng mga estudyante para sa mabilis na access sa kanilang iba’t ibang pangangailangan sa pag-aaral.

Dito, naniniwala ang Pangalawang Pangulo na sa pamamagitan ng Digi-Ed, mawawalan na ng limitasyon ang pag-aaral ng mga kabataan kahit anong hamon pa ang dumating dahil maaari na silang matuto gamit ang kanilang gadgets. | ulat ni Jaymark Dagala

📷: OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us