Digitization ng prison record system, ipinapanukala ni Rep. Sandro Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ng ilang mambabatas sa Kamara, sa pangunguna ni Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos na i-digitize ang prison record system.

Salig sa House Bill 9194, inaatasan ang Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bumuo ng isang “Digital Prison Records System” mula sa kanilang paper-based documents.

Lalamanin nito ang mga impormasyon tungkol sa mga persons deprived of liberty (PDLs), kanilang kaso, court orders, at kahalintulad.

Ito ay para sa mas episyente at transparent na pamamahala sa penal system ng bansa.

Ang naturang records ay gagawing accessible sa law enforcement agencies at korte maging sa legal counseling ng PDL na maaaring pag-isahin o isama sa iba pang records management system ng law enforcement agencies kung pahintulutan ng Korte Suprema.

Titiyakin naman na ang pagbabahagi ng mga personal at sensitibong impormasyon ay salig sa Data Privacy Act.

Maglalatag din ng mga hakbang upang masiguro ang seguridad at confidentiality ng record system.

Maliban kay Marcos, kasama sa paghahain ng panukala sina PINUNO Party-list Representative Ivan Howard Guintu, Quezon City Representative Ralph Wendel Tulfo, Isabela Representative Faustino “Inno” Dy, AGIMAT Party-list Representative Bryan Revilla, at Caloocan City Representative Dean Asistio. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us