Hinimok ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang lahat ng kandidato sa Maguindanao del Sur province na tiyakin ang isang malaya, patas, at mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30.
Apela ito ng kalihim kasunod ng isinagawang peace covenant signing sa Barangay Adaon, Datu Anggal Midtimbang, kahapon.
Binigyang-diin ni Secretary Abalos na ang mga opisyal ng barangay ay dapat magsilbing modelong mamamayan sa kanilang mga nasasakupan.
Sila aniya ang magsisilbing “frontliners” ng pambansang pamahalaan sa paghahatid ng serbisyo publiko sa mga tao.
Ang paglagda sa peace covenant ay pinangunahan ni Secretary Abalos kasama sinaMaguindanao del Sur Governor Bai Mariam Mangudadatu, Vice Governor Nathaniel Midtimbang, Municipal Mayor Maryjoy Estephanie Midtimbang, at mga local police officials.
Nakiisa din sa covenant signing ang mga residente at kandidato ng iba’t ibang barangay sa Munisipalidad ng Datu Anggal Midtimbang. | ulat ni Rey Ferrer