DILG at PCA, lumagda ng kasunduan para mapataas ang coconut production sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtutulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Coconut Authority (PCA) upang mapataas ang coconut production sa bansa.

Kaugnay nito ay lumagda sa Memorandum of Understanding ang dalawang ahensya upang magtulungan sa Massive Coconut Planting and Replanting Project 2023-2028 ng PCA.

Pinangunahan nina DILG Secretary Benhur Abalos at PCA Administrator Bernie Cruz ang paglagda sa MOU ngayong araw.

Ayon kay Abalos, mahalaga ang ambag ng coconut industry sa bansa kung saan nasa 35% ng annual average agricultural exports sa Pilipinas ay mula sa coconut exports.

Sa ilalim ng kasunduan, target na makapagtanim ng PCA ng 20 hanggang 25 milyon na coconut trees simula 2023 hanggang 2028 o katumbas ng 100 milyong puno at bumuo ng post-harvest, processing, at marketing interventions sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan.

Sa panig naman ng DILG, tutulungan nito ang PCA sa pagsasagawa ng information dissemination campaign sa mga magsasaka at titiyaking makikibahagi ang mga barangay sa mga programa, aktibidad, at training ng PCA. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us