Nakipagpulong na si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. sa Union of Local Authority of Philippines para sa mahigpit na pagpapatupad ng Executive Order (EO) 41) na inilabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang EO 41 ay humihimok sa local government units na suspindihin ang paniningil ng pass-through fees sa mga sasakyan na nagdadala ng mga kalakal.
Sa kanyang pulong kay ULAP National President Gov. Dax Cua at mga opisyal ng liga, hinimok sila ni Abalos na hikayatin ang kanilang constituent LGUs na magpasa ng resolusyon na sumusuporta sa EO 41.
Sa panig ng ULAP, nangako ito ng buong suporta sa mga layunin ng EO 41 at nananawagan sa lahat ng LGU na sumunod sa direktiba ng Pangulo.
Makikipagtulungan ang ULAP sa DILG at iba pang kaukulang ahensya upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng moratorium sa pass-through fees.
Kabilang sa mga bayarin ang sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, o mayor’s permit fees na ipinapataw sa lahat ng sasakyan na nagdadala ng mga kalakal at dumadaan sa local public roads na pinagawa ng LGUs. | ulat ni Rey Ferrer