DILG, nagbigay ng 3 linggong transition period para sa maayos na turn over ng panunungkulan sa barangay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng tatlong linggong transition period para sa maayos na turn over ang mga bagong halal at papaalis na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK).

Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos, na bagamat itinatakda ng Korte Suprema na agad nang makakapagsimulang  manungkulan ang mga nanalo sa BSKE, may mga nakikita ang DILG ng mga posibleng problema.

Partikukar sa paggawa ng bank account, ang pipirma sa sweldo ng mga empleyado, at sa mga bayarin sa kuryente at tubig.

Sinabi ni Abalos, pagkatapos maiproklama, kinakailangang makakuha na ng Secretary at Treasurer ang papasok na punong barangay upang  maproseso ang mga monetary transaction.

Aniya, sa loob ng tatlong linggo ay dapat na nailipat na sa mga bagong mamumuno ang mga ari-arian at dokumento.

Sakali naman aniya na ayaw sumunod ang mga bagong opisyal, may transition team na tutulong sa pagpapabilis sa proseso ng  turn over ng mga dokumento at ari-arian.

Samantala,para  sa mga nanalo sa Sangguniang Kabataan, bago sila makapanungkulan ay obligado silang sumailalim sa seminar upang malaman ang kanilang magiging trabaho. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us