DILG Sec. Abalos, hangad na maging maayos at mapayapa ang kabuuang BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si DILG Sec. Benjamin Abalos na magtutuloy-tuloy ang maayos na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections hanggang sa pagsasara ng botohan mamayang alas-tres ng hapon.

Sa panayam ng media sa kalihim nang bumoto ito sa Brgy. Highway Hills ay sinabi niyang malaking bagay na ‘proactive’ ang bawat sangay ng gobyerno sa matiwasay na pagdaraos ng eleksyon.

Kinilala din nito ang kapulisan na masugid na nagbantay sa mga lumalabag sa ‘liquor ban’ at ‘vote buying’.

Ayon pa kay Abalos, tanging sa Pilipinas lang may mga bara-barangay kaya’t mahalaga na maipakita aniya natin sa buong mundo na kaya natin itong idaos sa pinakaligtas at payapang paraan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us