DILG Sec. Abalos, nagbabala sa mga kandidatong magtatangkang mamili ng boto sa e-payment platforms

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga kumakandidato ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections na huwag nang tangkaing bumili ng boto sa pamamagitan ng e-payment platforms.

Kasunod ito ng pag-aalala ng publiko sa plano ng ilang mga kandidato na manalo sa pamamagitan ng vote buying.

Ayon sa kalihim, nakikiisa rin ang DILG sa hangarin ng Commission on Elections (COMELEC) kasama ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magdaos ng isang malinis na halalan.

Kaya naman titiyakin rin aniya nitong matutugis at mapapanagot ang mga mandaraya at matatanggal sa pwesto kung sila man ay manalo.

Makikipag-ugnayan umano ang DILG sa mga e-payment platforms gaya na lang ng Gcash at Maya upang ma-monitor ang anumang kaduda-dudang aktibidad na may kinalaman sa vote buying at nang masuspinde agad ang kanilang accounts.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ito sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para makatulong sa monitoring at tracking ng suspicious electronic transactions. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us